Guarantor na ‘Di Marunong Tumanggi
Mahirap tumanggi sa mga kaibigan at kamag-anak na nakikiusap upang ikaw ay gawing guarantor. Ang mga Pinoy pa naman ay hindi marunong tumanggi sa mga pakiusap. Sa pangamba na masira ang pakikipagkaibigan o relasyon sa pamilya. Kung gustong tanggihan ang ibang indibidwal ay puwedeng sundin ang panuntunan ng Bible. Bilin ni King David na huwag magiging guarantor, ito ay magsisilbing proteksiyon para sa sarili. Para ka nang kumuha ng bato na ipupokpok sa iyong ulo kapag napilitang pumayag. Kung paano ang iba tao ay mayroong karapatan na maghanap ng guarantor, karapatan mo rin ang tumanggi. Puwedeng ipaliwanag sa kapamilya na wala kang pang-abono kung sakaling magkaroon ng aberya.
Tandaan, hindi kailangang ipasan ang responsibilidad ng problemang financial ng ibang tao.
Hayaan siyang maghanap ng ibang solusyon na hindi kailangang pasanin din ang pagbabayad ng hiniram ng iba na hindi mo naman utang.
- Latest