Balayang
Maraming benepisyo ang makukuha sa saging pero alam n’yo ba na hitik din sa sustansya lalo na ang balat nito?
Ang balat ng saging ay nakakababa ng cholesterol at nakatutulong makaiwas ng sakit sa puso at stroke. Mas marami rin itong fiber kaysa sa mismong prutas nito.
Nakaka-boost din ng mood ang balat ng saging dahil nagtataglay ito ng amino acids na nakaka-trigger sa serotonin.
Maganda rin ang balat ng saging sa mata dahil nakakaiwas ito ng katarata at macular degeneration dahil sa taglay nitong lutein, isang malakas na antioxidant na nakapoprotekta sa ating mga mata.
May isa namang delicacy sa Ilocos Norte kung saan kasamang kinakain ang balat ng saba, ang balayang.
Isa itong klase ng buro/pickled na prutas. Habang malambot pa ang saging ay pinipitas na ito at saka hihiwa-hiwain at titimplahan sa sukang iloko.
- Latest