^

Para Malibang

Bantayan ang dila

Pang-masa

Hindi man madalas na naririnig ang pag-aaway ng mag-asawa, pero garantisadong ang mga iilang moments na kapag nagpakawala ng foul na salita si tatay sa harap ng anak ay mayroong malaking impact at impression sa bata. Hindi man nagre-react ang anak, pero sa kaloob nito ay nasa-shock at nabibigla kay tatay.

May mga lalaking hindi palasalita. Hindi nariringgan ng pagmumura o disrespectful na salita. Mabibilang lang sa daliri ang foul na nasasabi nito sa buong buhay ni tatay. Kahit sa ilang pagsasama ng mag-asawa ay mayroong lalaki na hindi maringgan ng anak na nagsasabi itong masasakit sa kanyang nanay.

Siguradong nagmamasid at nakikinig ang mga anak.

Kung gustong makontrol ang mga wild na dila sa inyong pamilya, ikaw mismo ang maglinis ng mga sinasambit ng iyong bibig. Kung paano magsalita sa isa’t isa at sa mga anak ay kailangang mag-set ng magandang halimbawa. Kung magiging marespeto sa isa’t isa ay puwedeng asahan na ganito rin ang gagawin ng mga bata.

Anong klaseng boundaries ba ang kailangang piliin sa pananalita? Ang pagmumura ay mali, pero paano ang mga salitang kalye at ibang foul na pananalita? Ma­ging ang ibang toxins sa mga dila, gaya ng tsismisan at pamimintas ng talikuran sa iba.  Naririnig ba ng mga anak ang wholesome na kuwentuhan na binibitawan patungkol sa inyong kapitbahay o coworkers? Paano mag-comment sa inyong boss, pastor, kaibigan, o leaders?

Huwag kalimutan ang mutual respect ang foundation sa pagkakaroon ng healthy na relasyon kahit kanino. Paano ba mag-usap ang mag-asawa? Kailangan maging best model para sa mga bata na makatutulong na matutunan din ang pagkakaroon ng pleasing ng paggamit ng dila.

DILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with