Cooking tips
Paano mapanatili ang natural na kulay ng gulay pagkatapos nitong maluto?
Anumang luto ng gulay, gisado, sinabawan, o sahog, kayang mapanatili ang magandang kulay nito. Kapag oras na para ilagay ang gulay, palakasin ang apoy para madali itong maluto at huwag tatakpan.
Paano maiwasan ang pagdikit ng pagkain sa frying pan?
Siguraduhing mainit muna ang lutuan bago maglagay ng butter o mantika. Paano magluto ng pritong manok nang hindi hilaw ang loob?
Pakuluin ang mantika at saka ilagay ang manok. Kapag brown na ang kulay nito ay bahagyang hinaan ang apoy. Sa huli ay muling lakasan ang apoy para maging malutong ang balat nito.
Paano maging malasa ang bawang at luya?
Maglagay ng asin para lumabas ang natural na flavor ng nasabing ingredients.
Paano maging malambot ang pinipritong karne?
Habang ito ay piniprito, gumamit ng tamang pagbaliktad tulad ng tong.
Huwag gagamit ng mga bagay na makakatusok sa laman nito tulad ng tinidor dahil oras na matusok ito, lalabas ang natural juice nito na siyang dahilan ng matigas na pritong karne tulad ng lechon kawali.
- Latest