Simbolo ng kagandahan at katapangan sa Africa
Kung paano ang lahat ay nag-iingat na masugat sa katawan lalo na ang mayroong keloids dahil sa nag-iiwan itong ng peklat sa balat, kakaiba ang trip ng mga tribo sa Africa.
Sinasadya ng mga Africans na lalaki o babae man ang mag-ukit ng sugat sa kanilang buong katawan na magmamarkang bilangs scars na ginagawan pa ng iba’t ibang design. Para sa tribo ng Africa ito ay simbolo ng kagandahan at katapangan mula sa magigiting nilang mga angkan.
Ang sinumang dumaan sa matinding sakit ay makikita ang pinagdaanan mula sa pambihirang ganda ng artworks na nakadesenyo sa mga balat nito.
Kasama sa ritual ang paggamit ng razor, matatalim na kutsilyo, at organic sap o abo upang mabilis na humilom ang sugat at makita agad ang marka ng designs sa kanilang katawan.
- Latest