Pabor ka ba sa bagong pamasahe?
“Siyempre kung ako ang tatanungin, bilang estudyante ay hindi ako sang-ayon sa pagtaas ng pamasahe...paano naman kaming mga estudyante lang... bawas din po sa aming baon yung karagdagang piso na pasahe sa jeep.” Erson, 17.
“Pwede na rin. Kasi ‘di ba ang gusto talaga ng grupo ng mga jeepney drivers ay gawing 10 pesos ang pasahe. Kaya para sa akin.. mabuti na 9php pa lang ang sini-singil nila ngayon. Okay yun... hindi nila binigla yung tao. Saka tulong na rin natin yun sa masisipag na tsuper ng jeep na magdamagan kung kumayod.” Lar, 27.
“Hindi natin maiiwasan yan dahil siyempre, pag tumataas na ang bilihin, kasama na ang gas, magde-demand talaga sila ng mas mataas na pasahe. Idagdag mo pa riyan yung kagustuhan nilang lumaki talaga ang kita nila dahil ‘di ba uso na rin ngayon yung mga barker na nagtatawag ng mga pasahero?
Eh bawat pasahero, piso na agad doon ang sa barker o baka nga mas malaki pa... kaya isipin din nating mga komyuter iyong hirap ni mamang tsuper para maitawid din ang pang-araw-araw ng kanyang pamilya.” Baste, 29.
“Di ko gusto yung biglaang pagtaas ng pamasahe. Hassle ‘yun kasi siyempe nakasanayan na natin na 8php lang tapos magiging 9php... paano naman yung mga naka-budget na ang baon at pamasahe? Piso rin yun.” Owen, 19.
“Para sa akin may batayan naman kung bakit itinataas ang pasahe... syempre tumataas din ang presyo ng petrolyo kaya normal lang din naman na tumaas ang pamasahe.” Zac, 31
- Latest