Problema sa online business
Hindi rin lahat ng sumubok sa online business ay nagtatagumpay dahil sa mahirap na panatilihin ang demand sa social media. Lalo na kung hindi ikaw mismo ang nagpapatakbo na mahirap maka-survive.
Sa research, may negatibong impact din sa online business dahil sa sobrang bilis ng pagbulusok ay nagsa-suffer ang kalusugan at nagkakaroon ng mental health problem. Kadalasan ay na-stuck sa negatibong habits. Mahirap ang online business dahil maya’t maya panay ang check, inaabot ng hating gabi sa kakatingin sa device screen. Lahat sila ay hindi kinaya ang pressure, sobrang pagod, at dahil pilit na kailangan ma-sustain ang demand ng publiko sa paggawa ng gimik upang makaakit ng customer. Tandaan, ang bawat naka-post sa social media ay filtered at edited na. Ginagawa lang mukhang glamorous ang shot, pero ang sitwasyon at negosyo ay malayo sa katotohanan ng kanilang buhay. Maging maingat sa paggawa ng marketing campaigns upang makahatak ng customers, pero sinasabotahe naman ang buhay ng ibang tao.
- Latest