^

Para Malibang

Saging pwede rin sa pagpapaputi

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Walang dudang “super fruit” ang saging dahil sa sangkaterbang benepisyo nito sa ating buhay lalo na sa kalusugan.

Higit pa riyan, abot-kamay ito sa bulsa ng mga simpleng mamamayan. Pwede itong idagdag sa rekado ng mga lutuin, o pwede namang snack kung ikaw ay mahuhuli na sa trabaho o eskwelahan.

Ayon sa pag-aaral, nakapagpapababa ng high blood pressure ang pagkain ng tatlong medium-sized na banana araw-araw. Nakakapagpaganda ito ng digestion dahil hitik ito sa fiber na siyang responsible sa bilis ng digestion sa ating katawan. Hindi ka rin mabilis gutumin dito pero dapat ay sakto lang ang pagkain dahil baka naman magkaroon ka ng constipation o ‘yung hindi pagdumi sa tamang oras.

Sa pagpapaganda naman, napatunayan nang nakakaganda ng kutis ang saging dahil sa taglay nitong potassium at moisture.

Kung parang “nagmamantika” naman ang iyong mukha, pwedeng gumawa ng mask gamit ang sa­ging, lemon at honey. Ibabad lang ito sa mukha ng 20 minuta at instant kinis na ang iyong mukha.

Pwede rin ito sa pagsugpo ng acne at dark spots sa mukha. Pwedeng kainin ng buo ang sa­ging, gawing inumin, o durugin at ilagay sa mukha kasama ang katas ng calamansi.

SAGING

SUPER FRUIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with