100-year-old tortoise, naglayas
Labis ang pag-aalala ng mag-asawang Mr. And Mrs. Phelps sa nawawala nilang alaga na si Fred.
Si Fred ay isang tortoise at mahigit 100 taong gulang na ang tanda, 30 taon nang nasa pangangalaga ng mag-asawa ang nasabing tortoise at marami na rin itong naging owner. Halos mga kaibigan din nila ang nagmay-ari sa kanya.
Na-miss nang lahat si Fred nang mawala ito nang halos isang linggo, maging ang mga batang kapitbahay nila na palaging kalaro nito ay laging tinatanong kung nakabalik na ba siya dahil pakakainin daw nila ng lettuce.
Nawala si Fred isang umaga ng Tuesday ayon kay Mr. Phelps, “Normally I open the back door in the morning and he’s there - he’d shout out for food if he could - but he wasn’t there on Tuesday the other week and simply didn’t appear.”
Inakala nang lahat na ninakaw si Fred pero ang totoo ay naglayas ito.
Nakuha ang tortoise ng isang motorista sa gitna ng highway, muntik na itong masagasaan kaya kinuha niya na ito at inuwi bago pa man niya makita sa diyaryo ang balitang nawawala nga ang tortoise.
Nakarating si Fred sa layong isang milya mula sa bahay nila sa bilis na 0.006mph.
Nang mabalitaan ng lalaking nagligtas kay Fred ang tungkol sa kanya, agad niyang kinontak ang mag-asawa at isinoli ang tortoise.
“I can’t thank Fred’s saviour enough. I hadn’t had a full night’s sleep since he went missing,” pagpapasalamat ni Mr. Phelps sa nakakuha kay Fred.
- Latest