^

Para Malibang

Lunas sa dry skin ngayong tag-ulan

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Dry skin ang madalas na ating inaabot tuwing tag-ulan dahil sa lamig. Nariyan din ang pagk­a­bigla ng ating katawan sa biglang lamig na klima.

Para kontrahin ito, ma­aari kayong gumamit ng face and body scrub para tanggalin ang mga dead skin.

May kamahalan ang mga produktong ito kaya naman narito ang mga recipe na subok na at swak pa sa iyong bulsa. Gawin ito hanggang tatlong beses kada-isang linggo (siguraduhing magtanong muna sa doktor, walang sugat, at hindi diabetic kung ito ay gagawin).

Ang pangunahimg sangkap sa body scrub na ito ay ang asukal (80% ang dami) at oil (pwedeng coconut o olive oil, 20% ang dami).

Narito ang mapagpipi­liang mga recipe: Brown sugar, coconut oil, at ­orange/lemon essential - refreshing ang  body scrub na ito dahil sa orange. Mabango rin ito at nakakaputi.

White sugar, olive oil, pipino, at peppermint - sagana sa bitamina gaya ng vitamin C ang pipino at mayroon namang relaxing property ang peppermint na swak para kayo ay ma-relax mula sa nakaka-stress na trabaho.

Brown sugar, coconut oil, vanilla oil, honey - marami nang napatunayan ang honey sa pagpapaganda gaya ng antibacterial treatment nito na nakaga­galing ng mga taghiyawat.

DRY SKIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with