Epektibong pantanggal ng peklat
Maraming alaalang kadikit ng ating mga peklat. Kung minsan ay masasaya ang pinagmulan nito gaya ng panganganak pero kadalasan ay malungkot tulad ng hindi inaasahang trahedya, aksidente, at operasyon.
Marami sa atin ang naghahangad na mabura ito ngunit may kamahalan ang ilang laser procedure maging ang ointment na inilalagay para tuluyan itong mawala. Narito ang ilang DIY (Do It Yourself) na paraan upang maalis ang inyong peklat:
Shea Butter/Coconut Oil - Kung ikaw ay nakaranas ng cut, laceration, o burn; mas mainam kung pananatilihing moist ito at nakatakip. Gumamit ng raw shea butter at all natural coconut oil para mapanatili itong moist at hindi magpeklat. Maaari rin itong gamitin kahit magaling na ang sugat para unti-unting mabawasan ang appearance ng peklat.
Apple Cider Vinegar - Marami nang napatunayan ang wonder suka na ito. Tinatanggal nito ang dead skin cells. Pinakaepektibo ito sa pag-alis ng acne scars sa mukha.
Silicon Gel Sheeting - Ito ay sticky clear pad na maaaring ilagay sa peklat. Sa isang pag-aaral ng mga estudyante sa Amerika, napag-alamang safe ito at effective pantanggal ng peklat.
- Latest