Overacting na magulang
Ang sports ay big deal sa lahat pero minsan ang mga magulang ay sobrang ginaganahan. Ang ibang nanay na ini-encourage ang anak na magpokus ng intense sa single sport sa maagang edad ng anak. Samantalang ang ibang magulang ay ini-enroll ang mga bata sa apat na activities nang sabay-sabay. Ayon sa mga expert na coaches, parehong may negatibong epekto ito sa mga anak. Ang sobrang monotony sa sport sa buong linggo plus may matches pa kapag weekend na laro, mararamdaman ng anak na para na silang nagtatrabaho imbes na maging fun ang activity. Ang sobrang dami nang variety ng laro ay nakakasakal sa kabisihan ng mga anak kaysa matuto at mahalin kahit ang isang sports man lang sa apat na activities.
Ang magic na bilang ng sports sa murang edad ng anak ay dapat dalawa o tatlong sports sa loob ng isang taon. Upang mapalawak ang range ng skills ng bata. Habang nagkakaedad ang anak, maaari na silang magdesisyon kung alin lamang ang sasalihan o mananatili sa nagustuhan nilang sports sa katagalan.
- Latest