Binagoongang Talong at Okra
Simple pero sagana sa sustansya ang recipe na handog namin sa inyo ngayon.
Ang pangunahing sangkap nito ay ang talong na mayaman sa potassium, fiber, folate at iba pa; at ang okra na hitik naman sa vitamins B & C, folic acid at fiber (paborito ring ipakain ang okra sa mga may diabetes).
Dedepende naman ang lasa ng recipe na ito sa ginamit ninyong alamang na mas nakabubuti kung kayo mismo ang gagawa o kung kulang naman kayo sa oras ay pwede na rin kayo bumili ng nakalagay sa bote.
Pakuluan lamang ang okra at talong saka itabi. Pagkatapos nito ay maggisa na ng bawang, sibuyas, kamatis, at saka isunod ang alamang (konti lang ang ilagay para hindi maging maalat).
Kapag luto na ay ilagay na ang mga gulay. Patayin ang apoy at ihain kasama ang mainit na kanin.
- Latest