Pagpapakitang Gilas sa Interview
Sa bawat job interview importante ang first impression. Maraming talented na tao ang nawawalan ng pagkakataon na makuha ang trabahong hinahangad dahil sa pangit na kinalabasan ng interview.
Kaya kailangang paghandaan ito para maiwasan ang pagkakamali at punuan ang lahat ng puwang sa inyong plano.
Kapag sinabing paghandaan ibig sabihin ay gawin ang lahat ng mga hakbang para matagumpayan na mapasa ang interview. Gaya ng pagre-research tungkol sa kompanya, kumuha ng background knowledge sa gustong pasukan na opisina upang mataas ang tsansa makasagot nang maayos.
Alamin ang main profile, direction, developments, at demand na kailangan ng kompanya. Upang ipakita na seryoso at interesado sa future na position. Pag-isipan ang potential na question na depende sa specification ng company at ng iyong sariling skills.
Kapag tinanong ang iyong best skills dapat ipaalam ang strongest na qualities na kung paano madaling ma-manage ang iyong time, positive na aspeto ng isang empleyado. Sakaling tanungin ang iyong weakness, maging honest at sabihin ang lahat nang mga ito. Pero patunayan na kaya mo itong i-deal na hindi makakaabala sa proseso ng iyong trabaho.
- Latest