Sex Pains (5)
May pinanggagalingan ang nararamdamang sakit sa pakikipag-sex
Ayon sa www.emedicinehealth.com, may iba’t ibang treatments ang sex pains depende sa dahilan nito. Kaya mahalagang ma-identify muna ang sanhi ng sex pain.
• Atrophy (pagnipis ng vaginal walls) dahil sa pagme-menopause: Ang nararamdamang pain sa bungad ng vagina ay dahil sa tinatawag na vaginal atrophy.
Karaniwan ito sa mga babaeng menopause na at walang iniinom ng estrogen replacement. Numinipis ang vaginal walls dahil mababa na ang estrogen. Nagkakaroon ng dryness at inflammation ng vaginal walls.
Ayon sa www.emedicinehealth.com, kung lumalala ang sakit na nararamdaman sa pakikipagsex, lalo na kung may discharge at bleeding, huwag nang mag-atubiling magpatingin sa inyong pinagkakatiwalaang doctor. (ITUTULOY)
- Latest