Dark circles sa ilalim ng mata
BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
Panda eyes kung tawagin minsan ang dark circles under the eye. Dulot ito ng sobrang paninigarilyo at pag-inom, kulang sa tulog, maling diyeta at minsan ay namamana. Maraming skin care products ang maaaring ilagay sa mata ngunit napakamahal nito. Narito ang ilang home remedy para sa dark circles.
1. Magpalamig sa ref ng hiniwang pepino at ilagay ito sa mata ng 15 minuto. Hugasan ang mata ng maligamgam na tubig. Gawin ito dalawang beses kada araw sa loob ng isang linggo.
2. Magpalamig ng dalawang patatas sa ref sa loob ng isang oras. Balatan, kayurin at kunin ang juice nito at ipahid sa paligid ng mata gamit ang bulak bago matulog. Iwan ito sa magdamag. Kinaumagahan maghugas ng maligamgam na tubig. Ulitin ang proseso sa loob ng isang linggo.
3. Maglagay sa mata ng cotton balls na binabad sa rose water at iwan ng 15 minuto bago banlawan. Gawin ito araw-araw sa loob ng 2 linggo.
4. Marahang masahihin ang paligid ng mata gamit ang almond oil at iwan ito magdamag. Hugasan ng maligamgam na tubig kinaumagahan.
5. Magbabad ng cotton balls sa gatas at i-ref sa loob ng isang oras. Ipatong ito sa mata hanggang mawala ang lamig. Gawin ito tatlong beses sa isang araw.
6. Mag-blend ng isang medium-sized na kamatis hanggang maging paste. Lagyan ito ng kalahating kutsaritang lemon juice, isang kurot ng turmeric powder at dalawang kutsarang gram flour. Haluin at ipahid sa dark circles. Iwan ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 3 beses sa isang linggo.
7. Maggiling ng isang dakot ng fresh mint leaves para maging paste. Lagyan ng juice mula sa kalahating lemon. Ipahid ang mixture sa dark circles at iwan ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
- Latest