Kalyo sa Paa
Maaaring humantong sa skin ulceration at infection kapag napabayaan ang kalyo sa paa. Narito ang ilang simpleng paraan para maresolba ang kalyo sa paa.
1. Magsawsaw ng cotton ball sa apple cider vinegar at i-tape sa kalyo bago matulog. Kuskusin ng batong panghilod kinaumagahan at lagyan ng olive o coconut oil pagkatapos para ma-moisturize ang balat. Gawin ito araw-araw hanggang mawala ang kalyo.
2. Masahihin ang kalyo sa pinaghalong 3 parts ng baking soda at 1 part water. Banlawan ang paste at tanggalin ang dead skin sa pagkuskos gamit ang panghilod na bato.
3. Magdurog ng 6 na aspirin tablet hanggang maging powder. Lagyan ito ng kalahating kutsaritang lemon juice at ¼ kutsaritang tubig. Ipahid ang paste sa kalyo at balutan ng plastic bag. Balutan ng mainit na towel sa loob ng 10 minuto bago banlawan ng mainit na tubig. Kuskusin ng batong panghilod para matanggal ang dead skin cells.
4. Magbabad ng cotton ball sa freshly squeezed lemon juice at i-bandage ito sa kalyo. Kinaumagahan palitan ng bagong cotton ball na ibinabad sa lemon juice at i-bandage ulit. Ulitin ang proseso hanggang malusaw ang kalyo.
5. Magbabad ng kalahating sibuyas sa white vinegar sa loob ng 4 na oras. I-wrap ang sibuyas sa kalyo at iwan magdamag. Kinaumagahan kuskusin ang kalyo gamit ang batong panghilod. Gawin ito sa loob ng isang linggo.
6. Ibabad ang paa sa mainit na tubig sa loob ng 10 minuto at kuskusin ng batong panghilod. Takpan ng cotton ball na isinawsaw sa castor oil at lagyan ng tape. Gawin ito araw-araw.
7. Magsuot ng komportableng footwear – ‘yung hindi masikip at hindi rin maluwag.
- Latest