Private Parts ng mga Anak
Ang lahat ng bata ay curious tungkol sa lahat ng bagay pati na ang sa maseselang bahagi ng katawan. Kapag nagkataon na nagtatanong ang mga anak ay bigyan agad ito ng pansin.
Kapag binalewala ang pagtatanong ng anak patungkol sa kanilang private parts ay mas higit itong nagiging mausisa. Maaaring mapapasama pa ang hindi pagpansin sa kanilang pagtatanong dahil itinutulak itong magkaroon ng pakiramdam na mahiya tungkol sa kanilang katawan. Para bang hindi puwedeng pag-usapan na dapat sana ay bigyan ng paliwanag ayon sa kanilang edad.
Turuan ang anak na sabihin ang angkop na tawag o pangalan ng private parts. Huwag gumamit ng “pee-pee” o “pututoy”. Turuan ang anak na lalaki na mayroong siyang penis. Ganundin sa anak na babae. Importanteng malaman ng anak ang tamang pangalan ng private parts dahil maaaring may mga sexual predators na gumamit ng pa cute na tawag sa maseselang bahagi ng katawan para lang malinlang o utuin ang mga bata. Kapag alam ng bata ang accurate na tawag ay hindi sila malilito. Sabihin agad sa bata na ipaalam sa magulang kapag masakit ang kanilang private parts o kung may humipo o humawak nito ng hindi tama.
- Latest