Pangangasim ng Sikmura
MANILA, Philippines - Alam nang lahat ang panganib ng softdrinks, pero marami pa rin ang umiinom ng iba’t ibang soda. Tandaan na hindi dapat umiinom ng softdrinks nang walang laman ang sikmura.
Kapag uminom ng malamig na carbonated drinks nang hindi pa nakain ay nagbabago ang level ng acidity at gastric lining sa tiyan. Mas lalo pang nagiging acidic at namamaga ang lining ng sikmura. Ang mataas na acidity level ay nagpapahirap sa pagtunaw ng pagkain at hindi nakukuha ang tamang nutrients at minerals.
Hindi rin dapat kumakain ng hot o spicy food ng gutom dahil nagbibigay ito ng irritation sa bowel at stomach. Kung kumain man ng spicy food pero may nauna nang balance meal, mayroong fat at protein sa tiyan na nagpoprotekta mula sa epekto ng maanghang na kinain.
Pero kapag empty ang tiyan pero kumain agad ng mga spices tulad ng jalapenos, chillies, hot sauce, o hot curry ay may teribleng epekto sa lining ng sikmura na pinagmumulan ng ulcer, pananakit ng tiyan, at pangangasim ng sikmura.
- Latest