Sinkhole sa Japan Dalawang Araw Inayos
Marami ang gustong pumunta sa Japan para magbakasyon dahil sa maraming dahilan.
Bukod sa masasarap na pagkain, malamig na klima, cherry blossoms, mababait na tao, at iba pa, nais ng mga tao na masaksihan ang pagiging advance sa teknolohiya ng nasabing bansa.
Isang example nito ay ang paraan nila ng pag-aayos ng mga nasirang istraktura. Taong 2016 nang mabalitaang nagkaroon ng sinkhole ang isa sa pinaka-busy na siyudad sa Japan, ang Fukuoka.
Bale ba 30m by 27m ang laki ng naturang sinkhole at may lalim naman na 15 metres na ang sinasabing dahilan ay “construction work on an extension to an underground line.”
Marami ang naabala ng sinkhole kabilang na ang signal ng telepono, gas, at water supple pero wala namang napabalitang nasugatan o namatay.
Ang nakamamangha ay dalawang araw lang ay balik na sa dating hitsura ang daan na parang walang nangyari. Ayon pa sa mayor ng naturang lugar, 30 times stronger na raw ito ngayon. Kakaiba talaga ang teknolohiya nila lalo na kapag sinamahan ng workmanship and efficiency ng mga manggagawa.
Sana balang araw ay masilayan at maranasan din natin ‘yan sa ating bansa na mabilis maaksyunan ang lahat ng problema ng ‘Pinas.
- Latest