Red Bell Peppers Mas Maganda sa Puso Kesa sa Green Bell Pepper
BURP FACT
Sabi ng matatanda kumain daw ng gulay para humaba ang buhay. At ang karaniwang napapansin lang ay mga gulay na kulay berde dahil ito raw ang pinakamasustansya.
Pero ‘wag maliitin ang mga kulay pulang gulay na maganda rin sa kalusugan lalo na sa puso. Tulad na lamang ng red bell peppers na kung ikukumpara sa green bell peppers ay mas mainam sa puso dahil mataas ang taglay nitong lycopene. Magandang source rin ito ng cholesterol-lowering fiber at powerful antioxidant vitamins A and C na maganda para sa puso.
Isang tip lang para naman magtagal ang bell peppers. Kung gagamit ng bell pepper at kaunti lang ang kailangan, hiwain ito ng crosswise at itira ang parte na nakakabit sa tangkay. Ang tangkay ang magpapanatili sa freshness ng bell pepper ‘pag hindi pa ito ginagamit. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest