Tradisyunal at Makabagong Geisha
Isa ang Geisha girls sa mga cultural riches ng bansang Japan. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao ang modern Geisha ay iba sa traditional Geisha ng nasabing bansa. Ang tradional na Geisha ay hindi nai-involve sa prostitution kumpara sa mga modern Geisha.
Maraming oras at taon ang gugugulin ng isang babae bago maging isang ganap na Geisha. Mahirap ang training at istriktong dinidisiplina ang mga kababaihan na gustong maging Geisha. Kakaunti na lamang ang natitirang traditional Geisha na bata pa lamang ay tinuruan nang kumanta, magsayaw, at tumugtog ng mga musical instrument. Tinuturuan din sila ng Japanese art tulad ng Origami. Ang mga traditional Geisha ay itini-train para makapag-entertain at kadalasang mula sa mayayamang angkan.
Ngunit dahil sa kahirapan, may mga modern Geisha na hindi lang pag-i-entertain sa mga bar ang ginagawa kundi pumapasok na rin sa prostitusyon. Kadalasang galing sa mahihirap na pamilya ang mga modern Geisha na makikita ngayon na nagkalat sa Japan.
- Latest