Sino ang Madalas Magkontrol sa Relasyon?
Naku ang mga lalaki gusto nila sila ang dapat masunod. Kasi feeling nila ay macho ang mga ‘yan kapag sinusunod ang utos o gusto nilang mangyari. Para bang bumababa ang kanilang pagkakalaki kapag hindi sila ang nasusunod sa nobya o misis nila. Hindi sila aware na kinokontrol na nila ang mga babae. – Mae, Bulacan
Aminin natin ang mga lalaki number one sa ganya. Sa una sinusuyo ka pa kunwari. Pero kapag dyowa ka na. Aba, kumpleto ang rules mula ulo hanggang paa ng sinusuot ng babae, may paandar kung ano lang puwedeng suotin sa standard ng lalaki. O’ ‘di ba mga teh! – Alma, Manila
Ako kokontrolin ng boyfriend o mister ko, hindi ah! Ipinanganak akong malaya, hindi ako dapat kontrolin ng kahit sino. Dapat nagkakasundo sa gitna. Wala dapat ganyang isyu. Hindi dapat hinahawakan sa leeg ang boyfriend o girlfriend. Dapat patas lang para lahat happy. – Rhufa, Quezon
Ang sabi, ang asawang babae ay dapat magpasakop kay mister. Kaya hinahayaan ko ang mister ko ang magkontrol sa lahat ng bagay. Hindi naman ibig sabihin nagpapakontrol ako. Kundi hinahayaan ko siyang maramdaman niyang siya ang leader ng pamilya. Meron man akong hindi gusto ay napapag-usapan namin ito ng maayos. Sinusunod naman niya ang mga suggestion ko. Ganun lang, dapat bigyan para may sistema ang buhay namin. – Michelle, Trese Marteres
Hays, siyempre lalaki naman talaga ang dapat masunod sa bahay ‘di ba! Pero iba ang sitwasyon namin ng mister ko. Bilang misis ako ang nagkokontrol at dedesisyon sa lahat ng bagay sa aming mag-asawa. Pero hindi ibig sabi ay under na ang mister ko. Paliwanag ng mister ko na gusto lang niyang i-please ako at masaya siyang makita na happy rin ako. Hindi din ibig sabihin komo ako ang nagkokontrol ay hindi na siya head ng pamilya. Pero siyempre pagdating sa loving-loving namin, gusto ko siya na ang may kontrol sa akin. Hehehehe. – Jayjay, Taguig
- Latest