Dapat Bang Makipagkaibigan sa Ex Partner?
• Hindi ako naniniwala sa friendship after break-up. Kaya lahat ng nagiging ex ko ay hindi ko na kinakaibigan. Binabati ko sila nang kaswal pero hindi na kami magkaibigan. Ano pa ang silbi ng pakikipagkaibigan sa ex? Kung naghiwalay nga kayo dahil sa hindi pagkakaunawaan at kung anumang rason, eh wala nang rason para magkaroon ng koneksyon. – Armand, Antipolo
• Oo naman. May pinagsamahan pa rin naman kayo nung tao. Sakaling maghiwalay kayo ng ex mo eh ok lang makipagkaibigan para maisalba ang mga nakaraang masasaya n’yo. Hindi naman ibig sabihin ng pakikipagkaibigan ay magkakabalikan na kayo ng ex mo. – Felix, Makati
• Depende sa sitwasyon, kung hindi naging maganda ang hiwalayan n’yo eh wala nang rason para makipagkaibigan. Pero kung hindi naman kayo nagkasakitan at nagdesisyon na lang na maging magkaibigan ok lang ‘yun. Kilala mo rin naman ang tao at hindi lang siya basta kung sino.
– Brian, Isabela
• Ayokong maging friends sa ex ko dahil baka ma-tempt lang akong balikan siya. Hindi naman sa may masama akong tinapay. Pero kasi sa lahat ng naging ex ko eh may hindi naging maganda kaya kami naghiwalay. Ok sigurong maging civil pero maging magkaibigan uli ay mahirap talagang gawin. – Martin, Bohol
• Ako, kaibigan ko lahat ng ex ko. Itine-treasure ko ang mga taong nagiging bahagi ng buhay ko kahit pa hindi naging maganda ang hiwalayan namin ng iba kong ex ay napapanatili ko ang friendship ko sa kanila. Hindi naman namin kasalanan kung hanggang doon na lang ang relasyon namin bilang magsing-irog pero maaari pa rin namang ipagpatuloy ang relasyon bilang magkaibigan. – Tristan, Caloocan
- Latest