Screen Time ng mga Anak
Halos lahat ng bata ngayon ay naglalaro na ng mobile device kahit may suot pang diaper, hanggang 17 years old o mas may edad na ay may hawak nang smartphones kahit saan. Hindi na ito maiiwasan dahil kabilang na ang mga anak sa henerasyon ng iPad at explosion apps.
Ang media ay isa lang environment na bahagi na ng buhay. Katulad ng environment, ang media ay may positibo at negatibong epekto. Malaki ang magagawa ng magulang at pamilya para magkaroon ng social interaction sa ginagawa ng anak. Tulad ng pagkakaroon ng limit sa screen time.
Tandaan, ang screen time rules na para sa anak ay parehong dapat na i-apply din sa mga magulang at nakatatanda sa bahay.
Pero maging involved pa rin sa kanilang buhay. Maaaring makipaglaro sa anak. Alamin ang kanilang mga kaibigan at kung saan sila pupunta. Turuan ang mga bata ng ibang pagkakaabalahan nang hindi laging nakatutok lang sa kanilang mga gadgets lalo na ngayong bakasyon.
- Latest