Dapat Bang I-unfollow sa Social Media ang Ex Partner?
• Para sa akin hindi na kailangang i-unfollow pa ang isang ex. Magmumukha ka kasing bitter ‘pag ginawa mo ‘yun. Sa mga naging karelasyon ko, halos lahat sila ay in-unfollow ako. May iba pa ngang nag-block sa akin. Pero makalipas ang ilang buwan, magme-message sila at magpapadala ng friend request. So sino ngayon ang mukhang tanga? Hahaha – Marlon, Pasig
• Oo, kailangan ‘yun. Mas makatutulong kasi ‘yun para maka-move on ka. Kung ia-unfollow mo kasi ang ex mo, hindi mo na makikita ang araw-araw na update sa buhay niya. Mas madali mong malilimutan ang taong nanakit sa’yo (kung sinaktan ka man niya). Pero kung hindi naman, advice ko pa rin na hindi na dapat i-follow sa social media ang ex. – Mark, Caloocan
• Depende sa sitwasyon. Kung maganda siguro ang hiwalayan n’yo, bakit kailangan mo siyang i-unfollow? ‘Di ba? Kung masama ang naging hiwalayan ay talagang dapat na i-unfollow at i-unfriend ang ex para na rin sa ikabubuti ng iyong puso. Takte, hindi ako santo at magpapakaplastik sa taong nanakit sa akin. – Luis, Cebu
• Hindi naman kailangang i-block, unfriend, o unfollow pa. May nakaraan din naman kayo at may pinagsamahan. Para sa akin, ‘yun na lang ang tanging nag-uugnay sa inyo. Kaya kung nami-miss mo siya, pwede mong bisitahin ang social media account niya. At malay mo naman magkabalikan pa kayo ng ex mo ‘di ba? Marami ang pwedeng mangyari kaya dapat ‘wag mo siyang i-unfollow. – Raymond, Isabela
• Tapos na ang maliligayang araw n’yo kaya move on na. Dapat ‘hindi na i-follow dahil wala na rin namang mangyayari eh? Tapusin na rin ang lahat ng koneksyon maging sa social media at magsimulang muli. Naniniwala akong dapat iwan sa nakaraang ang mga taong nanakit sa ‘yo. – Ben, Davao
- Latest