^

Para Malibang

Due Date ng Bills Binabalewala

Pang-masa

Madalas binabalewala natin ang mga due date ng mga bayarin sa kuryente, renta sa bahay, bangko, o telephone bills. Karaniwan ay wala tayong pakialam kahit ma-late ang pagbabayad ng mga nakapilang bills buwan-buwan.

Pero maraming benepisyo ang pagbabayad ng bills on time. Katulad ng pagbabayad sa loan, mortgage, insurance, at credit card dahil mas madaling matatapos ang bayarin at hindi madadagdagan ang penalty na mas nagpapabigat sa paghuhulog.  Samantalang kapag late ang hulog  na imbes na mabayaran na ang mga loan ay mas nababaon at hindi makaahon dahil sa taas ng interest na gumagalaw tuwing nadi-delay ang pagbabayad ng inyong accounts. Ang reklamo ng mga payer ay nauubos ang pera nila  sa kababayad pa lang ng interest kaysa sa actual na utang. Sakit din ng ulo kapag naputulan ng telephone, kuryente, Internet. Nangangamba rin na paaalisin ng may-ari ng nirerentahang lugar  o mahatak ng bangko o PAGIBIG ang pinaghihirapang hulog sa bahay, kotse, o motor.

Wais pa naman ang mga insurance dahil sa bawat late ng pag-settle ng account ay automatic agad ang katumbas ng insu­rance rate lalo na kung poor credit o hindi pagbayad sa due date.  Tuwing delayed ang payment ay   maaapektuhan din ang credit report  na ikaw ay not good payer.

Para makaiwas sa stress at kahihiyan; at magkaroon ng peace of mind matutong  maging responsable na malayo pa lang ay ikalendaryo na ang inaasahang bills buwan-buwan.

BANGKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with