^

Para Malibang

Krema (124)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHIL sa pagkaladkad kay Lex ng dalawang tauhan ni Paulo, nagkasugat-sugat ang mga paa, binti at hita niya dahil sa mga matatalas na bato sa daan patungo sa kulungan ng itik. Hindi siya makapiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki. Parang mga bakal ang palad ng dalawa. Isa pa’y napakasakit ng katawan niya dahil sa mga sipa at suntok ni Paulo. Naisumpa niya, kapag nakatakas siya, uunahin niya si Paulo. Pero sa takbo ng mga nangyayari, mukhang mahihirapan siyang makatakas.

Kaya nga wala na siyang ibang choice kundi ituro ang pinagtaguan niya sa maleta na may lamang shabu. Baka pag itinuro niya ang maleta ay mag-lie low ang mga hayop sa pagpapahirap sa kanya. Kapag nakalingat ang dalawang may hawak sa kanya, tatakas siya.

“Nasaan ang maleta?” tanong ng isa sa mga lala-king nakahawak sa braso niya. “Saan?’’

“Dun s-sa p-punong b-banaba. N-nasa i-ilalim ng b-banaba.’’

Hinaltak siya patungo sa banaba. Kinaladkad muli at naramdaman niya ang matatalas na bato sa dinadaanan nila. Pakiramdam niya nagkakarne na ang binti niya at paa.

Nang makarating sa banaba, itinulak siya ng dalawang lalaki. Napasubsob siya. Tumama ang mukha niya sa umbok ng lupa.

“Nasaan ang maleta?’’

“N-nasa m-may p-puno. D-diyan k-ko i-iniwan.”

Tinungo ng isa sa mga lalaki ang ilalim ng puno.

“Walang maleta rito!’’

“D-diyan k-ko i-iniwan!’’

“Wala! Niloloko kami! Gago ka!”

Muling sinipa si Lex.

Dumating si Paulo. “Nasaan ang maleta?’’ tanong nito.

“Wala Paulo. Niloloko lang tayo.  Walang maleta sa ilalim ng banaba.’’

Binalingan ni Paulo si Lex.

“Tarantado ka ha!” Binigwasan ito. Saka sinipa. Hindi makagulapay si Lex.

“Sige dalhin n’yo dun sa kulungan ng itik. Pahirapan n’yo muna. Kailangang malaman natin kung nasaan ang maleta.’’

(Itutuloy)

LEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with