Bermuda sa Transylvania
Kahindik-hindik na istorya ang nakabalot sa kagubatan ng Transylvania sa Romania.
Tinatawag itong Bermuda Triangle ng Transylvania dahil sa rami ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa lugar.
Maraming dekada nang pinag-aaralan ng mga scientist, researchers, at mga estudyante ang kakaibang “elemento” sa lugar ngunit bigo pa rin silang matukoy kung ano ito.
Halos lahat din ng sumubok na pumasok dito na kung hindi nawawala ay may kakaibang karanasan.
Marami sa kanila ang nakaramdam ng pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng katawan, at kakaibang mga sugat sa katawan.
Ang isa pang nakakatakot na eksena sa gubat na ito ay ang mga puno’t halaman na may kakaibang anyo.
Isang kwento ng limang taong gulang na bata naman ang sikat na sikat sa nasabing lugar. May narinig daw na kakaibang boses at musika ang batang babae kung kaya’t nahikayat siyang pasukin ang lugar.
Nawala ang batang babae at halos mawalan na ng pag-asa ang kanyang magulang sa kahahanap dito.
Hanggang sa biglang dumating na lang ang araw na lumitaw na lang ang bata na umiiyak sa kakahuyan at walang bakas ang damit at katawan na nawala siya ng ilang linggo.
- Latest