Luya Gamit Sa Pagpapaganda
Matagal nang napatunayan na mabisa sa pagpapagaling ang luya.
Isa ito sa pinakakilalang home remedy sa sakit ng tiyan at lagnat.
Pero alam n’yo ba na marami rin itong benepisyo sa pagpapaganda?
Narito ang ilan sa gamit ng luya:
1. Anti-aging – Mabisang panlaban sa wrinkles o kulubot sa mukha na sanhi ng pagtanda ang ginger. Hitik ito sa anti-oxidants na nagbabawas ng toxins sa ating katawan.
2. Taghiyawat – May antiseptic din ang luya at may cleansing qualities na siyang responsible para maalis ang marka ng mga blackheads at taghiyawat.
3. Mas maaliwalas na mukha – Ang paglalagay ng hiniwang luya sa mukha ay epektibo para mas maging energized at maaliwalas ang ating hitsura.
4. Balakubak at paglalagay ng buhok – Gumamit ng natural ginger shampoo para matanggal ang inyong problema sa dandruff at naglalagas na buhok.
5. Peklat – Epektibo ang luya sa mga light-colored scars dahil meron itong anti-oxidants at toning properties.
- Latest