^

Para Malibang

Pangalawang Anino(07)

Gilda Olividado - Pang-masa

“At ‘yan ho ba ang sasabihin ko sa mga anak namin? Na hindi na uuwi ang tatay nila?”

“Mabuti pang malaman nilang nagpunta sa isang delikadong lugar ang kanilang ama kaya nawala kaysa malaman nilang ipinagpalit kayo sa isang makating babae!” Galit na sagot ng ama.

SARAP NA SARAP sa mga pagkain sina Roger at Alona. Maraming prutas, may sabaw ng buko at mara­ming putaheng karne.

“Nasarapan ba kayo sa dinuguan namin? Lahat na dinuguan na niluluto dito sa Itom ay ganyan kasarap. Sariwa kasi at bata ang mga kinakatay namin para gawing dinuguan.” Makahulugan na naman ang ngiti sa labi ng babaing nakaitim.

Tuloy naman sa pag­lamon ang magkalaguyo.

“Ay, napakasarap! Aba, dito na nga kami magpapaalaga sa iyo kung laging ganito kasarap ang kinakain namin!” Napabungisngis pa si Alona.

Sumegunda naman si Roger. “Sabi nila doon sa bayan, nakakatakot daw magawi man lang dito. Mali sila! Ang ganda pala ng buhay dito! O ano,  Alona, di  ba tama ako na dito tayo nagkanlong?”

“Oo na. Bilib talaga ako sa ‘yo. Mautak ka, e. Silang mga nasa bayan, bahala sila na hindi nila man lang maranasan kung gaano pala kaprogresibo dito. Mababait ang mga tao, masasarap ang pagkain, masagana!”

“Dito, kahit ilan ang aanakin natin, kaya!”

“Oo naman. Lalo na, may kaibigan at tagapag-alaga na tayo dito! Hindi ba, Tagapag-alaga?”

Nagn iningning ang mga matang sumagot ang babaing nakapula. “Basta, pangako ko sa inyo, paglabas ng inyong anak, magiging isa siyang prinsesa. Sasambahin siya ng mga tagarito. Dahil suwerte niya at siya ang napili kong alagaan. Suwerte rin ninyong mga magulang, nadamay kayo sa magandang kapalaran ng inyong anak.”

“Yahooo! Ahm, may dinuguan pa ba, Tagapag-alaga? Ang sarap talaga, e. Ganito ka ba lagi kasarap magluto?”

“Ang mga tagapagluto namin ay nasa iisang lugar lamang dito. Tinatawag naming OAT ang bahay na iyon. Isa siyang napakalaking kusina.”

“Ha? May tagapagluto talaga para sa lahat dito?”

“Oo. Marami sila. At tungkulin lamang nila ay magluto para sa lahat na naninirahan dito sa Itom.” Nakangising sumagot ang Tagapag-alaga.

Ang OAT ay binaligtad lang na salitang tao. Tao kasi palagi ang niluluto ng mga taga-Oat. -ITUTULOY

 

 

ANINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with