Paano magmukhang ‘fresh’ kahit walang make up?
Hindi nawawala sa uso ang natural looking. Ibig sabihin, in ka pa rin kahit walang suot na make up. Pero, paano nga ba magiging fresh at hindi haggard kahit walang make up?
Pagandahin ang kilay – Ang kilay ang center of attention ng ating mukha kaya naman dapat na bigyan natin ito ng pagpapahalaga. Dapat ay pantay ang pagkakaahit ng iyong kilay at dapat itong ibagay sa hugis ng mukha. Gumamit din ng temporary tint kung kinakailangan. Lagyan din ito ng castor oil gabi-gabi bago matulog para mas kumapal.
Maganda at maputing ngipin – Malaking factor ang pagkakaroon ng magandang ngiti at maputing ngipin. Magsipilyo ng dalawa/tatlong beses sa isang araw at gumamit ng dental floss para matanggal ang tinga na nagdudulot ng pagkasira ng ngipin.
Alagaan ang labi – Uminom ng maraming tubig para hindi manuyot ang labi. Lagyan din ito ng moisturizer bago matulog. Pagkatapos magsipilyo, i-brush din ang labi para matanggal ang deadskin.
Mag-focus sa pagkakaroon ng magandang kutis – Panandalian lang ang epekto ng make up kaya naman mas mainam kung mas bibigyang importansya ang pagkakaroon ng makinis na balat. Gumamit ng sunblock araw-araw, kumain ng tama, uminom ng maraming tubig at tamang tulog ang kailangan para ma-achieve ang mala-porselanang kutis.
- Latest