^

Para Malibang

Iwas Jet Lag

FOOD FOR THOUGHT - Pang-masa

1. Palitan ang sleep routine bago umalis sa bansang lilisanin. Importante na praktisin ang sleep pattern sa bansang pupuntahan para masanay na ang body clock.

2. Kung darating sa bansang pupuntahan nang umaga, i-enjoy lang ang natural sunlight. Ang pagka-expose sa daylight ang pinakamainam na paraan para ma-regulate ang sleep-wake cycle at makakaiwas sa pagkakaroon ng jet lag.

3. Uminom ng mara­ming tubig at ‘wag ha­yaang ma-dehydrate. Ang biyahe sa himpapawid ay nakakatanggal ng liquid sa ating katawan. Kaya siguruhing hydrated ang katawan kung bibiyahe ng malayuan.

4. Iwasan ang kape at alcoholic na inumin. Nakakaistorbo kasi ito ng tulog at isa ito sa major side effect ng pagbiyahe sa abroad. Nakakadagdag ng pagkahapo ang caffei­nated drinks, maging ang alcoholic beverage.

5. Tumayo at mag­lakad-lakad habang nasa biyahe sa eroplano. Mainam na maglakad ng 10 minuto habang nasa biyahe para maiwasan ang poor blood circulation. Ang paglalakad din ay nakakaiwas sa pagdebelop ng deep vein thrombosis.

6. Gumamit ng blindfolds at ear plugs o headphones kung matutulog sa biyahe. Makatutulong ang mga ito para masigurong makapagpapahinga ng maayos.

7. Mag-warm shower kung darating sa destinasyon ng gabi para ma-relax ang mga muscle at makapagpahinga ng maayos. Kung umaga naman ang dating mo sa destinasyon ay mas mainam na maligo ng malamig na tubig para magising ang katawan.

BODY CLOCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with