^

Para Malibang

House of Death (147)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

SA kanyang kulu­ngan, wala pa ring ginagawa si Anna kundi umiyak. Naaawa siya kay Mario na nag-iisang humaharap sa problema sa mansiyon.

Sa masamang pa­nginoon nina Azon at Temyong na hindi tiyak kung kailan na naman ito magiging aktibo at mapapahamak ang kanyang pamilya.

Sa mga masasamang ispiritung itim na hindi pa rin naman talaga umaalis sa mansiyon na tinitirhan nila.

Para bang pansamantalang nananahimik lamang dahil may naghahasik naman ng lagim ngayon doon, at kahit sa labas pa nga ng mansiyon ... ang antigong wheelchair.

At ang kanilang hanapbuhay na pagtitinda ng mga kakanin, hindi na nila nahaharap. Ang kanilang panganay na lang na nagtatrabaho sa grocery ang inaasahan.

Nakakaawa ang kanilang dalaga. Alam niyang kaya ito nagtatrabaho ay para makapag-ipon, para pagkatapos ng high school sa publiko, makakapag-college pa rin.

Pero kapag hindi nila nahaharap ni Mario ang paghahanapbuhay, walang mangyayari sa pangarap ng kanilang panganay.

Talagang gusto na niyang magsisi na tinanggap nila ang alok ni Benilda na mangangalaga at manirahan sa mansiyon.

Dahil kahit binabaha at lumilikas sila tuwing may bagyo doon sa tabing-ilog, normal ang buhay doon.

Walang masamang panginoon, walang mga maiitim na multong nananakot. Walang Benilda at mga magulang nito na kapag napupuno ay naka-kagawa rin ng hindi tama.

Tulad na lang noong magpapasan ang mga ito sa likod ng mga anak nina Temyong at Azon, naging kuba tuloy pansamantala ang mga bata.

“Mabuti pa rin kami kahit papaano, Anna.” Biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

Napaharap si Anna kay Benilda. Nakikita  niya ang anyo nito, tulad na naman nang dati, mabait. Walang expression ng galit.

“Alam ko. Pero para rin kayong tao, kapag naitulak na sa dinding, lumalaban na rin.”

“Tulad mo. Alam kong galit ka na. Baka nga pati sa Diyos natin, nagtatampo.” 

                                                  - ITUTULOY

ANNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with