Pampababa ng Cholesterol
1. Maghalo ng dalawang kutsaritang coriander seed powder sa isang tasang tubig. Pakuluan ang mixture at salain. Inumin ito dalawang beses kada-araw. Maaari rin itong lagyan ng gatas at asukal.
2. Maghalo ng tig-isang kutsaritang onion juice at honey. Inumin ito araw-araw.
3. Maghalo ng isang kutsaritang organic apple cider vinegar sa isang basong tubig. Inumin ito tatlong beses sa isang araw sa loob ng isang buwan.
4. Uminom ng tatlong tasa ng fresh orange juice araw-araw.
5. Kumain ng oatmeal araw-araw. Nirerekomenda ang pagkain ng isa’t kalahating tasa ng lutong oatmeal o isang tasa ng oat bran.
6. Uminom ng 4 grams ng fish oil araw-araw.
7. Kumain ng walnut, almond, mani, hazlenut, pistachio, pecans, at iba pang uri ng nuts.
- Latest