Kailan Dapat Dalhin sa Beterinaryo ang Inyong Alaga?
Palaging nagtatago Kapag napansin ninyo na umiiwas makipaglaro ang inyong aso o pusa at nagtatago sa ilalim ng upuan o iba pang gamit sa bahay, isa itong malinaw na senya?es na kailangan n’yo na siyang ipatingin sa doctor.
Paghilata Napapansin n’yo bang mas gusto nilang matulog o humiga kesa makipaglaro? Isa ito sa sintomas na may problema sa puso ang inyong alaga, o na-infest siya ng garapata at iba pang parasite.
Ayaw kumain Hindi dapat pinapagpaliban kung hindi na kumakain si Bantay o Kuting. Maaaring may malubha na siyang sakit.
Kapag dinidilaan niya ng paulit-ulit ang isang bahagi ng kanyang katawan. ? Normal sa ating alaga ang linisin ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pagdila pero kung napapansin ninyo na sa iisang parte lamang niya ito ginagawa, maaaring may iniinda siyang sakit.
(Itutuloy?)
- Latest