Ikinahihiya ang Magulang
Dear Vanezza,
Dati si tatay lang problema ni nanay na lasenggo. Ngayon, pati si nanay ay adik na rin sa alak. Sumuko na si nanay sa pagsaway kay tatay na huwag nang uminom. Pero dahil sa hindi ito maawat ay idinaan na rin ni nanay sa pag-inom sa mga katagayan niyang mga nanay din sa lugar namin. Ako mismo ay nahihiya sa aking mga magulang. Paano na ang buhay namin? – Dave
Dear Dave,
Bilang nakaiintinding anak ay huwag kang sumuko na awatin ang mga magulang mo sa paglaklak ng alak. Makatutulong kung ipaalam mo sa kanila ang masamang dulot ng alak. Ipaalam mo rin sa kanila ang iyong nararamdaman tuwing sila ay nag-iinom. Puwedeng ipakausap mo ang mga magulang sa mga nakatatanda nilang kapatid o kaibigan patungkol sa kanilang pag-iinom.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest