Lalaki sa England 24 oras lang ang memorya
Grabe na ‘to! Isang binata mula sa Taunton, England ang may kakaibang kundisyon kung saan nari-reset ang kanyang memorya kada-araw. May short-term memory loss si Ricky Dean at wala siyang naaalala sa mga kaganapan sa kanyang nakaraang araw. Ito’y dahil sa nangyari sa kanya noong siya’y ipanganak - nawalan siya ng oxygen supply. Nakaapekto ito sa kanyang utak.
Buti na lang at mayroon siyang mapagmahal at matiyagang mga magulang dahil araw-araw siyang pinaaalalahanan ng mga ito ng kailangan niyang gawin. Maging ang pagsisipilyo ay hindi niya maalala kapag hindi siya sinabihan.
Pero bukod sa kanyang pamilya, mayroon siyang iPhone na nakatali sa kanyang leeg kung saan mayroon siyang application na nagpapaalala sa kanya ng kanyang daily routine at schedule. Nakalagay dito na kailangan niyang maligo at magsipilyo, pakainin ang aso, i-lock ang mga pintuan kapag matutulog na, etcetera.
- Latest