Epekto ng masturbation
Alam n’yo bang ang masturbation ay nakabababa ng self esteem at maaaring maging sanhi ng depession?
May mga taong naniniwala na walang magiging epekto sa lalaki ang masturbation dahil sa kanilang paniniwalang hindi naman ito masama.
Pero maraming nagi-guilty pagkatapos gawin ito dahil sa paniniwalang masama o kasalanan ang pagma-masturbate.
Base sa mga pag-aaral, ang dopamine ay isang chemical na tumutulong para maramdaman ang emosyon. Ito ang dahilan kaya nagiging masaya tayo kapag may natatanggap na reward.
Ang mababang dopamine ay iniuugnay sa social anxiety, mababang self esteem, pagtatakaw, depression, motor control problems, at iba pang bad moods.
Kaya hindi dapat bumababa ang dopamine level ng isang tao.
Ang mga taong mababa ang dopamine level ay hindi mas mapanganib sa masiyahin, ‘di kontento sa buhay at puwedeng magkaroon ng social anxiety at depression kumpara sa iba.
Ang siste, kapag nag-aadik sa porn, pinatataas nito ang nang husto ang dopamine sa maiksing oras lamang kaya bumababa ang response ng brain sa normal level ng dopamine na natural na inire-release ng katawan.
Ang mga adik sa porn ay natuklasang laging masyadong mababa ang dopamine levels.
(SOURCE:www.2knowmyself.com)
- Latest