Macaroni and Cheese ng Pancake House pak na pak!
Burp Review
Ang macaroni and cheese ang isa mga tinaguriang American comfort food na paborito rin ng mga Pinoy. Hindi lang ito comfort food dahil masarap din itong snack, lunch, o side dish sa mga malalakas kumain. Hahaha!
Ang rerebyuhin natin ngayon ay ang Mac N Cheese ng Pancake House. Nagkakahalaga ng P144 kada order, may dalawang pirasong crispy bacon strip ang nakaibabaw sa isang mangkok ng macaroni and cheese. Dilaw na dilaw ang kulay nito na nagpaalala sa akin ng Kraft Macaroni & Cheese na ipinadadala sa amin noong bata ako galing abroad. Ang pinagkaiba lang ay iba ang macaroni na gamit nila. Medyo maalat-alat ang lasa nito na mas gusto ko dahil lasang-lasa ang keso. Ang dalawang pirasong napakalutong na bacon strips naman ay masarap at hindi maalat, tustado nga lang. Mas masarap siguro kung hindi ito masyadong natusta. Pero ang overall experience ng pagkain nito ay pak na pak. Maikokomento ko lang siguro ang presentation. Burp!
Presentation: 3/5 Lasa: 4/5 Presyo: 4/5
Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa [email protected].
- Latest