^

Para Malibang

House of Death (73)

- Gilda Olividado - Pang-masa

UMALIS na ang hepe. Hindi na rin nagtagal ang pamilya nina Mario sa kinalalagyan ng imaheng demonyo.

“Doon na tayo sa loob ng bahay, Anna, mga anak ...”

“Oo nga. Magdasal tayo. Iyon na lang ang kaligtasan natin.” Dugtong naman ni Anna.

Nagtawanan pa sina Temyong.

“Natakot lang ‘kamo sila! Alam kasi nila na talagang delikado na buhay nila. Dapat nga umalis na sila, e. Dahil sa totoo lang, baka nga susunod na sila kay Father. Lalo na ‘yang Mario na ‘yan.”

“Pssst, Temyong ... tingnan natin ang nilibingan natin ng mga alahas at ginto. Kung hindi ba nagalaw.”

“Malamang hindi. Huwag kang mag-alala, di ba takot sila sa imahe natin? Kaya nga natin inilibing dito lang sa malapit ang yaman natin para hindi sila lalapit. Kaya ligtas sa kanila ang mga alahas at ginto.”

“At kailan natin mapapakinabangan ang mga ‘yon, Temyong?”

“Planuhin muna natin. Baka hindi tayo kikita ng malaki kapag nagmamadali tayo.”

Tiningnan nila ang inilibing na yaman. Hindi pa naman talaga ito nagalaw.

“Inay, Itay!” Napasigaw ang isang anak.

Nakita ng buong pamilya si Benilda na nakaupo sa tabi ng pinaglilibingan ng mga alahas.

Lumuluha. Kulay pula. Dugo.

Natakot naman sina Temyong. Pero dahil sa kasakiman sa yaman, kinalimutan nila ang takot.

“Hoy, Benilda ... kahit ano pa ang gawin mo, wala ‘yang kuwenta! Dahil patay ka na, hindi mo na kailangan ang yaman ninyo! Bakit ba hindi ka na lang pumunta sa langit, doon ka naman nakadestino, hindi ba? Materyosa ka naman, e. Ispiritu ka na lang, pinuproblema mo pa rin mga materyal na bagay!”

“Sa mga mabubuting tao dapat mapunta ang ipinundar ng mga magulang ko! Tulad nina Mario at Anna.”

“Nakakainsulto ka, a! Bakit ka pa ba nakikialam? Ang mga ispiritu na lang, bumibitiw na sa mga makamundong hangarin! Iyak ka na lang nang iyak ... isuko mo na kasi ang lahat na pag-aari ninyo!”

“Walang ginawang masama ang aking mga magulang para magkaroon kami ng ganyang yaman. Masarap ibigay ang yaman na ito sa mga madreng nagpapatakbo ng bahay-ampunan, sa mga mahihirap na masipag na nagtitiis para sa kanilang mga mahal sa buhay! Hindi talaga ako papayag na kayo ang makikinabang!” Kumumpas si Benilda at inubos ang lakas para magliparan ang mga loose na lupa at sumaboy sa mukha nina Temyong. - Itutuloy

 

 

vuukle comment

DEMONYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with