Decent apparel
Ang pagsusuot ng sobrang seksing damit o revealing ang skin na halos luwa na ang kaluluwa sa trabaho o opisina ay hindi angkop, kundi nagbibigay rin ito ng maling impression.
Payo ng mga expert, iwasan ang pagsusuot ng sobrang ikli ng hemlines, sobrang taas ng heels, plunging neclines, at kita ang mga under garments. Sinasabing maraming kababaihan ang oversexualized ang pagsusuot ng damit na sa opisina lang naman pupunta. Hindi makikipag-date o a-attend ng party.
Puwedeng magsuot ng V-neck shirt, pero siguraduhin na hindi naman sobrang baba nakakaagaw na ng pansin lalo na sa mga kalalakihan. Paano mo ba gustong maalala? Kung paano ka manamit o kung ano ang iyong sinasabi.
Tanda ang laging policy sa pananamit kahit saan pupunta ay magsuot ng “decent apparel”. Hindi naman sinabing magmukhang manang, kundi presentable o katanggap-tanggap tingnan.
- Latest