^

Para Malibang

House of Death (67)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

AT dahil nga siguro ang utak ay nalason na rin ng demonyo parang natuwa pa si Azon sa sinabi ng anak.

“Lahat na gusto ninyo, bilhin! Gusto ninyo, titikim din kami ng Tatay ninyo niyan, e.”

“Droga? Sige, baka nga masarap! Hawr hawr hawr!”

Sumabay na rin sa pagha­lakhak sina Azon at mga bata. Nakakakilabot.

“Halika na sa loob ng bahay, maghalughog na tayo! Libreng-libre, o! Tayo lang dito!”

“Tama, Temyong! Hanapin na kaya natin ang mga alahas na tiyak na nandidiyan lang sa loob?”

“Bakit hindi? Baka nga may mga sikretong taguan!”

At sabay-sabay nang pumasok uli sa mansiyon ang mag-anak, dinaanan lang si Benilda. Na dahil nga nauubos ang enerhiya sa pagpigil para maipasok nina Temyong ang masamang imahe, nakalupaypay lang ito.

Walang magawa para pigilin sa pagpasok sina Temyong. Kahit alam niyang magnanakaw na naman ang mga ito.

Unang pinasok ng mag-anak ay ang master’s bedroom na napakalaki. Na hindi pinangahasan nina Mario na tulugan. Bilang respeto sa mga orihinal na may-ari.

 Kung pumasok man dito sina Mario para lang linisin ang lugar. Walang pinakikialaman ultimo mga antigong suklay na maayos na nakalapag sa mamahalin at pure narra na tokador.

Dahil nga ang susi ay na kina Mario, walang pakialam na pinukpok lang ni Temyong ang orihinal na susian.

Kaya nabuksan nila.

“Gandaaa!” Sigaw ni Azon habang nakangisi.

Takbuhan agad ang tatlong anak na lalake sa mga drawers ng tokador. Nadismaya.

“Itay, pukpukin n’yo rin ang mga ito para mabuksan! Baka nandidito ang mga alahas!”

Dinampot uli ni Temyong ang martil­yong kinuha sa kusina saka lumapit sa tokador.

Ang mga masasamang kaluluwa ay nakatingin, nanlalaki ang mga mata sa kasiyahan.

Gusto nila ang ginagawa nina Temyong. Manakawan ang mansiyon, mababoy.

ITUTULOY

vuukle comment

AZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with