Gigantes Islands
Hindi lang pala basta dagat na may mapuputing buhangin ang mapupuntahan sa Iloilo kundi mayroon ding Gigantes Islands na maihahantulad sa isla ng Palawan ang rock formation.
Ang Gigantes Islands o kilala rin sa tawag na Islas de Gigantes ay isang remote group of islands na makikita sa bayan ng Carles at Estancia sa probinsya ng Iloilo.
Tinatayang limang oras ang biyahe mula sa Iloilo City patungo sa nasabing isla.
Hitsurang isang malaking bathtub ang Islas de Gigantes sa gitna ng dagat.
Hitik sa yamang tubig ang mga islang ito kaya naman matitikman mo rito ang pinakasariwang lamang-dagat.
Kahit medyo nakikilala na ang isla na ito, virgin pa rin itong maituturing dahil hindi pa ito nade-develop kumpara sa ibang isla ng Pilipinas na naabuso na ng mga turista.
Sa kabila nga ng pagbisita ng mga turista rito ay napapanatili nila ang dating anyo ng isla at pati na rin ang kalinisan nito.
Ang sabi ng mga lokal ng probinsya, tinawag daw na Gigantes ang isla dahil sa mala-higanteng hitsura ng istruktura nito. Ito rin daw ang liguan/bathtub ng mga higante noong unang panahon.
- Latest