Iba na ang kultura ng mga anak
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Zeny, 65 anyos at isang biyuda. May dalawa akong anak na babae na mga U.S. citizen na. Pare-parehong Amerikano ang kani-kanilang mga asawa at iba na rin ang kanilang kultura. Gusto nila akong ipetisyon dahil sa edad kong ito, pero takot ako na baka sa home for the aged lang nila ako dalhin. Ano ang dapat kong gawin?
Dear Zeny,
Mahirap sa edad mo na isa pang balo ang nag-iisa. Pero mahirap din makisama sa mga taong iba ang kultura. Kausapin mo muna ang mga anak mo malay mo may maganda silang plano sa iyo, kaya gusto ka nilang makasama. Iba man ang kanilang kultura ngayon, anak mo pa rin sila. Tiyak na mas may malalim na koneksiyon pa rin silang nararamdaman, kaysa sa bagong mundo na kanilang ginagalawan ngayon. Subukan mo muna, dahil baka ma-enjoy mo rin ang mga maraming benipisyong gustong i-share sa iyo ng mga anak mo sa U.S.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest