^

Para Malibang

Anong Gagawin mo ‘pag Inabutan ka ng Tawag ng Kalikasan sa Highway?

Pang-masa

Naku, hindi pa naman ako naaabutan ng ganitong senaryo sa awa ng Diyos. Pero lagi akong handa at may dala akong malaking plastic bottle sa ilalim ng upuan. Solusyon na ‘to ‘pag inabot ng delubyo sa highway. He he he. Buti na lang lalaki ako, walang kahirap-hirap ang umihi sa bote. - Lance, Malabon

Eh ‘di hahanap ng pinakamalapit na gasolinahan. Magaling naman akong magpigil ng ihi eh. ‘Yun nga lang minsan naranasan ko na ang ganito, huminto na lang ako sa emergency lane at nagtakip na lang para dyumingel. Buti na lang walang masyadong sasakyan ang dumaraan, kundi agaw-eksena talaga ako. - Mark, Bulacan

Buti na lang maraming puno sa mga highway namin dito sa probinsiya. Madali lang naman ang umihi basta may punong malaki ang manghaharang sa’yo. Isa ‘yun sa mga advantage nating mga kalalakihan. Kahit nakakahiya at nakakadiri, wala na tayong magagawa ‘pag tinawag ng kalikasan. - Ramon, Bataan

Dapat kasi bago mag­biyahe ng malayuan umiihi na muna. Saka kung magbibiyahe ng matagal, iwasan munang uminom para hindi ihi nang ihi. Gayunpaman, kung aabutan ako nito sa highway hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Paparada ako saan man ako abutan kesehodang hulihin ako. Ayoko magkasakit sa bato! - Richard, Cebu

Plastic bag ang so­lusyon ko rito. ‘Yung plastic ng yelo, madali nang dalhin eh pwede mo pang itapon sa susunod na gasolinahang mahihintuan. Aakalain lang nila na may bitbit kang extra joss. Ha ha ha. Pero ito ang naiisip kong gagawin ko ‘pag inabutan ako sa highway. - Bart, Valenzuela

AAKALAIN

ACIRC

AKO

ANG

AYOKO

BULACAN

BUTI

LANG

PERO

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with