Stainless steel epektibong ‘sabon’ sa kamay sa kusina
Kakambal na ng mabahong amoy sa kamay ang pagluluto sa kusina lalo na kung ito’y may isda, sibuyas, o bawang. Kumakapit kasi ang malansa at mabahong amoy ng mga ito sa kamay na hindi basta-bastang natatanggal kahit ilang beses ka pang magsabon.
Lemon juice at baking soda ang karaniwang matatagpuan sa ating mga kusina na puwedeng gamitin sa pagtanggal ng mabahong amoy na ito.
Pero bukod sa paghugas sa kamay gamit ang lemon juce o baking soda, maaari rin gumamit ng stainless steel! Hindi kayo naniniwala?
Kaunting siyensya tayo, ang molecules kasi sa stainless steel ay “hinihila” ang molecules ng mga mababaho at nag-iiwang amoy ng pagkain tulad ng sulfur na nagmumula sa bawang. Ang galing ‘di ba?
Sa ngayon may mga nabibili nang pebble-like na ‘sabon’ na gawa sa stainless steel para pantanggal ng mabahong amoy sa mga kamay.
Kaya sa susunod na magluluto kayo ng paksiw na isda, hindi na kayo mamomroblema sa pagtanggal ng mabahong amoy sa kamay na iniiwan ng sibuyas at isda. Burp!
- Latest