May Pag-asa pa bang Masugpo ang Ilegal na Droga sa Bansa?
-Sa nangyayari ngayon, at isang opisyal pa ang nadawit sa hulihan sa droga parang nawawalan na ng pag-asa ang karamihan sa atin na masosolusyunan pa ang problemang ito ng bansa. Kung totoo man ang pagkakadawit ng opisyal na ito, eh malala na talaga ang bayan natin. Lahat na lang ay nabibili na ng pera. - Raymond, Batangas
- Meron pa ‘yan. Siguro kung si Duterte ang mananalong pangulo sa darating na eleksyon eh magagawan ng paraan ‘yan. Tapos ang mga sindikato ng mga ilegal na droga sa bansa. Walang paliguy-ligoy siguradong patutumbahin ang mga ‘yan ni Duterte. Woooh! - Martin, Davao
- Sa inaasta ng kasalukuyang administrasyon, malayong mangyari ito dahil ultimo nga mga nasa posisyon ay nadadawit sa mga katiwalian. Pero nasa mga kamay din naman natin ang nangyayari. Kung hindi dahil sa atin na siyang nagluklok sa kasalukuyang administrasyon, eh hindi magiging ganito ang sitwasyon ng bayan. Siguro, maghintay na lang tayo kung magagawan ito ng solusyon ng susunod na administrasyon. - Leigh, Sorsogon
- Kung maniniwala tayo, at magtutulung-tulungan ay siguradong kakayanin ‘yan. Sa tulong ng dasal at pagkakaisa, naniniwala aking masosolusyunan pa ang problemang ito ng ating bansa. Kung may mga taong may nalalaman sa mga ilegal na bagay, hindi ito dapat ipinagwawalang-bahala at isinusplong sa mg awtoridad. Hindi naman natin puwedeng sisihin ang mga nasa posisyon na walang ginagawa dahil hindi talaga natin alam ang mga totoong nangyayari sa kanilang mga tanggapan. - Chester, Bataan
-Maghihintay na lang siguro ako ng susunod na administrasyon. Sa tingin ko kasi ay wala nang magagawa ang mga nasa posisyon ngayon sa problema sa droga. Dapat din kasi sigurong mas tutukan pa ng ating pamahalaan ang problemang ito para na rin sa kapakanan ng nakararami. Kung hindi babaguhin ang sistema, walang mangayayari. - Ash, Makati
- Latest