Malambot at Makinis na Paa
Sa lahat ng parte ng katawan, ang paa ang laging malungkot dahil laging napapabayaan. Kaya para magkaroon ng “happy feet”, narito ang 3 paraan ng pangangalaga:
1—Tanggalin ang “balat-kalabaw” sa paa. Sa sobrang tigas, maihahalintulad sa balat ng kalabaw ang iyong talampakan. Maglagay ng maligamgam na tubig sa palanggana. Haluan ng one-fourth tasang calamansi juice. Ibabad dito ang paa ng 20 minutes. Hiluran ang talampakan at sakong gamit ang batong panghilod o foot file. Hugasan ang paa at pahiran ng lotion. Pahiran gabi-gabi ng alinman sa sumusunod: lotion or olive oil. Saka suutan ng medyas.
2—Paputiin ang Negrang Paa. Paa ang unang nabibilad sa araw lalo na kung open-toed footwear ang lagi mong isinusuot. Haluin ang isang maliit na lata ng evaporated milk, one-fourth cup na lemon or calamansi juice at 2 kurot na asin. Painitin ang mixture ngunit iwasang pakuluan. Ito ang imasahe sa paa.
3—Saging sa nagpuputok na sakong. Durugin ang sapat na rami ng saging hanggang maging paste. Ito ang ipahid sa sakong. Hayaang nakababad ng 30 minutes. Hugasan ng maligamgam na tubig. Gawin nang regular hangga’t walang pagbabago.
- Latest