Sang-ayon ba Kayo na Pinigilan ni P-Noy ang Pagbibigay ng P2-K Increase sa SSS Pensioners?
Siguro naman tama ang desisyon ni P-Noy na hind pagbibigay ng mataas na increase sa mga senior citizen. Baka nga naman malugi ito at hindi na mapondohan ang mas nakararaming active members na umabot na raw ng 30-M. Kung ikukumpara nga naman sa 2-M pensioners eh malaki talaga ang diperensya. - Larry, Davao del Norte
Naku, ewan ko ba naman kung bakit hindi na siya naawa sa mga matatanda natin. Eh mamamatay ka nang dilat dito sa bansa natin eh. Kawawa ang mga senior citizen na kakarampot at kulang ang pension para mabuhay sa mahal ng mga bilihin sa bansa! Nakakagigil talaga! - Arthur, Antipolo
May basehan naman ang presidente natin para mauwi sa ganu’n ang kanyang desisyon. Hindi naman siguro siya nagdesisyon lang o para maging kontrabida na naman sa mga Pilipino. Dapat kasi minsan, tinitingnan din natin ang ikabubuti ng mas nakararami. Siguro naman ‘yun ang nais lang ng ating Pangulo. - Raffy, Baguio
Kung sa akin lang naman, bakit hindi pa niya pinayagan ang dalawang libong pisong dagdag na pension sa mga matatanda? Eh pera rin naman nila ang kinuha ng gobyerno nung nagtatrabaho pa sila eh. Dapat sana mas mapagaan ang buhay ng mga senior dito sa ating bansa. Nakalulungkot lang na hindi ito ginagawa ni P-Noy. - Seph, Tondo
Naniniwala ako na ang desisyong iyon ni P-Noy ay in the long run. Kumbaga, iniisip lang niya siguro ang kahihinatnan ng ating mga kababayan sa darating pang panahon. Hindi naman siya gumagawa ng desisyon para magpapogi lang sa mga tao. Dapat siguro minsan, makinig na lang ang mga tao sa kanya. Since, siya naman ang pangulo. - Keith, Makati
- Latest